Wednesday, February 21, 2007

Asan ka na?

ako natural lang, pwedeng sigang maton o malandi, kahit ano.

makikipaghalikan ako sa iyo in public.
pero okay lang din kung ayaw mo.
ayos na ayos na ko sa akbay o simpleng chansing.

kapag nagsasalita ka, makikinig ako, tapos titingnan kita sa mata,
para alam mo na sa iyo lang ako nakikinig.
hindi tayo mauubusanng pag-uusapan. ultimo buhok sa kili-kili ng labandera ng kapitbahay natin pwede nating pagdebatihan-- in immaculate english...
(i tell ye, her follical projections were plucked!!!...nay, sweet sir, her pubescent manifests have been shaved!!!)

gusto ko minsan na may moments na mas maarte ka pa sa akin. kahit kapag tayong dalawa lang.

pero ang pinaka gusto ko, kapag naghahawakan tayo ng kamay sa ilalim ng lamesa. at dahan-dahan mong hinihimas ang aking palad ng iyong mga daliri. at magpapatay-malisya tayo, para hindi halata.

o anong petsa ka ba darating?!


--i found this on one of the G4M profiles i was readin' long ago. i kept a copy. thought 'twas cute.

No comments: