Monday, February 26, 2007

are you gago or tanga?




GAGO O TANGA? ALIN KA DITO?


Nakakatuwa naman ang mga nangyayari sa paligid. Magcha-chat ka.... maghahanap ng picture, ng web cam at kung anu ano pa. May mga magtatanong sayo ng mga bagay na hindi mo inaasahan, gaya ng age, sex, location, top, bottom, size ng titi, marunong ba tsumupa o hindi at kung anu-ano pa. Then hihingi ka naman ng picture niya. Siyempre kung pangit hindi ka na magrereply.... hindi mo na kakausapin...... bigla ka na lang mag lolog out. At kung cute naman siyempre.... kukunin mo yung cell number.... landline.... friendster....kung mayaman ba siya o hindi.... gaano kalaki ang pera mo sa International Bank and bank of America at sa Swiss bank.... (para may mapagkaperahan ka)..... pangalan... address.... iba pang web pics.... paboritong pagkain... color.... height.... weight..... at suking tindahan. Tapos, sasabihin mo kapag nag-uusap na kayo, hindi ka naman sa physical tumitingin.... kundi sa kalooban.. AHAHHAHAHAH……… HAAAAAAAALLLLEEEEEEEEERRRRRRR

Okay ka lang!?!?!?!? kung sa tingin mo ba kamukha ni Quasimodo o ni Rene Requiestas yang ka chat mo eh makikipag eb ka pa o kukunin mo yung cell number niya para i-text at tawagan siya.. Gagastos ka ba ng mahigit 30 pesos kada araw sa pag loload o bibili ka na lang ng suncell para matawagan din siya kung suncell nga sya....

Alam mo, sa tingin ko hindi mo yun gagawin. Ewan ko ba bakit marami pa ring tao ang nabubuhay sa litid ng pagnanasa na maari naman magparaos sa pamamagitan ni mariang palad na may halo sa konting imahinasyon.

Heto ka naman, lalapitan mo siya (yung cute ha hindi yung pangit) sasabihin mo, alam mo ang gaan ng loob ko sayo......... hmmmm pwede ba kitang maging baby... boyfriend.... lover.... maging tayo...... boo... honey...... papa.... jowa... papu... nanay… pangdisplay..... alila... bangko... sponsor o financer…. tatay ...ingkong..... parausan... at kung anu ano pa.

At kung nakuha mo na siya… sa una ay aalagaan…. Hanggang sa paparausan….. hanggang sa pandidisplay…. Hanggang sa mag-sawa… then go back to start sa pambibiktima at pambobola. Ano ba talaga ang hanap natin sa buhay? Aminin man natrin o hindi maraming tao na ganito ang naglipana sa paligid. Pagtapos maging akin ay kanya. Pagkatpos maging iyo ay akin. Saan ba talaga? ano ba talaga? paano ba talaga?

No wonder, kung halos walang naniniwala na magtatagal ang relasyon ng mga bisexuals, gays, at lesbians. Hindi ko naman nilalahat.. sabi ko lang naman halos eh. Wag kang magagalit ha.

Pero isipin mo.... pagkatapos nun, maaaring isa sa inyo ang umiyak... dahil sa pinaasa mo siya at pinaniwala. Isang buhay ang nasira kasi ang inakala niya ay totoo ka sa kanya. Isang nilalang na naman ang tinulak mong maging gaya mo... magrerebelde at gagawin din sa iba ang ginawa mo... hanggang sa paulit ulit na itong mangyayari para sa mga susunod pang mga silahista, bakla, at lesbianang maipapanganak sa mundo. Then sasabihin mo sa bandang huli na naghahanap ka ng seryoso? Na alam mong may sumeryoso sayo dati na hindi mo sineryoso dahil yung sineryoso mo noon ay hindi ka naman sineryoso. O kaya naman sadya ka lang talagang malibog na kulang na lang lahat ng silahista ay lagyan mo ng check sa kanang balikat para malaman mo kung dumaan na siya sayo o hindi pa.

Ewan ko ba kahit ako naguguluhan sa mga nangyayari. Aaminin ko minsan sa buhay ko ay ganito rin ang naiisip ko. Isa lang ang nasisiguro ko.... tapos na ako sa mga ganitong kalokohan. Sa maniwala ka man o hindi. Kahit papaano maghahanap at maghahanap ka rin ng pangmatagalan.

Ewan ko ba kung sadyang gago lang ang ilan sa atin dahil sa walang sawang pagdilig sa mga bagong binhing naglilitawan o sadyang tanga lang dahil hindi na natin nakikita kung sino ba talaga ang dapat nating minahal at hindi na pinakawalan pa.

Hanggang kailan ka ganyan? Gago lang ba talaga tayo kasi malibog O tanga kasi hindi natin alam ang ating ginagawa? Hindi naman kaya gago ka kasi sinabi mong mayaman ka? O kaya naman nagawa ka niyang tanga dahil heto ka at nagpapagamit. Baka naman gago ka lang kasi tanga ka.... o talagang tanga ka kaya naman nagagago ka. Ang gago mo kasi tanga ka. Ang tanga mo kasi nagpapagago ka sa mga kapwa mo tanga at gago.

Sa totoo lang nagpapaalipin ka sa sarili mong katangahan at kagaguhan. Naghahanap ka ng meron ka dati na ngayon ay wala na. Hirap maging tanga sa gagong mundo. At mahirap mabuhay na gago sa tangang mundo. Hay naku ang daming gago at tanga.

Madaming may mga mata ngunit kakaunti lang ang nakakakita. Madaming may nakikita pero madaming bulag dahil sa nakikita..... maraming may tainga pero alang marinig.... madaming nakakapagsalita pero isa ka sa mga nanahimik .... buti pa ang bulag......... hindi gago at hindi tanga sa nakikita.......... buti pa ang bingi hindi bingi sa mga bagay na dapat maintindihan at marinig......... malakas ang loob ng mga pipi kasi nasasabi nila na hindi sila gago at tanga..........

Sino ba talaga ang tunay na gago at tanga? Hala ka baka naman gago ka na nga, tanga pa. Huwag kang mag-alala hindi ka naman nag-iisa. Maraming katulad mong gago na tanga pa…. o tanga dahil sa gago sila.... o ako ang gago at tanga dahil ako lang ang nakaisip ng mga ganitong bagay.

Sorry ha....... nagawa ko kasi ito dahil madaming Gago at Tanga....

(my good friend paolo from g4m sent me this. whoever made this eloquent musings, thank you! please let us know you...)

4 comments:

Tadpole said...

i like arts .photo,and design



WELCOME TO THIS BLOG and send your good think for me

http://shortshortday.blogspot.com/

taylerr said...

Fabulously written.
one of the most honest and gut-pinching write-ups about one of the realities in the pink world that many gorgeous eyes fail to see.

cool post!

kurama minamino said...

thank you tyler and tadpole!

;-)

Dabo said...

wow direct to the point..for this crazy world!

gandang litanya.

cheers.

(behind the words of the author is is his fullness of faith, holding on to something painful, but still holding on..grabe..ouch..