Thursday, April 19, 2007

so ganito yun....


dec-29. na-meet ko si boylet sa isang coffee gathering ng friends. may nag-invite sa akin sa isang birthday party ng isang friend, so sumama ako, then sumama rin sya nung niyaya ko. kahit may pupuntahan siya at hindi naman niya kilala si friend. i liked him that same night. bright, meaningful eyes, shy-type, matangkad na moreno, although slender not muscular body. very ordinary, pero sooooper soft-spoken, mabait and gentleman ever...

dec-30. may party ang bading group namin. daming um-attend. 170 members yata, so sobrang gulo sa party and everything. may friend ako na ex ng superfriend ko. si superfriend ko, kasama ko sa party, along with other friends. hetong friend ko na ex ni superfriend naman ang katabi ko sa kabilang side.

so itong si friend, nung nakita si boylet ko, tumabi sa akin. ibinulong nya "...uy date kami mamaya nyan ni boylet..."

e itong friend ko, hindi nya alam na BETter days ko nga si boylet, so deadma lang ako. around 1 am, nagpaalam na si friend ko na aalis na raw sya... at kasama nya si boylet ko, hayyy...

ang boylet ay di naman masasabing bakla-ero. the matter is, hindi nya alam na BETter days ko nga sya.

lumipas ang araw, nagtetext kami ni boylet, pati ni friend. although mas madalas si boylet--something like "patikim ng luto ko, pasyalan raw nya ako, superbait ko daw at masayang kasama..." yung mga ganun. e nakakatunaw na yun sa akin mare.

then a week passed.

hindi ako tyope neng, di ba, nagbago na ako?

one day lang ang pagitan. di naman ako pwedeng magpropose nung gabing nag-meet kami, baka sabihin nya makati girl ako, no.

so akala ko the night after the first meeting pwede ko nang sabihin.

e itong friend ko pala, may date factor na agad. leche talaga.

anyway...

jan-5. friday ulit. nagkita-kita na naman kami sa coffee gathering. late ako as usual kasi may kachika pa akong baklang sosyal sa greenbelt. itong boylet, tinatanong kung nasaan ako, dahil nasa glorietta lang daw sya. e sabi ko, nasa greenbelt lang ako, may kausap.

sabi nya sasabayan raw nya ako papunta sa coffee-han para may kasabay ako ever. mga one hour pa nya akong hihintayin. so ok lang naman daw sa kanya.

after a while, nagtext ulit sya. sabi nya, bigla daw dumating si friend ko sa glorietta. nalaman na nandun sya. kaya sila na ang magkasabay. zero na naman ako.

neng, di pa doon natapos. heto na ang punchline.

nung dumating ako sa coffee-han, kasama ko ang isa kong superfriend, nandun na sila ni boylet.

hala, at super-salubong ang boylet--nag-so-sorry nang palihim, may payakap-yakap pa, dahil di raw sya natuloy sunduin ako. sabi ko, ok lang, alam ko naman na may kasama rin sya talaga.

at nandun nga yung friend ko. kasama nya. di ko naman pwedeng isnabin kasi close din kami nun. so gow lang ako with the flow. hayan, umaatikabong chikahan na naman among gayfriends.

after a while, nasarili ko ulit si boylet--after 2 hours yata yun. tinatanong ko sya, kung like na sya si friend ko. di nya ako masagot! dami daw nyang iniisip. nakakaloka!

sabi ko, tinatanong ko lang kung like nya, dami agad sinabi. kesyo ganun, kesyo ganito. pinilit ko. sabi nya may like din daw sya. pero like nya rin si friend ko.

e di syempre, iniisip ko kung ako yung like nya. pero since SIYA ang tyope, di nya masabi sa akin. di ko nama kayang magtapat. dahil friend ko nga ang kalaban ko.

so doon na lang muna...

after that moment, nagkayayaan pumunta sa malate. heto na. itong superfriend ko, pinilit na magkasama kami sa taxi (kasi wala nang car, hahaha) nitong si boylet at friend ko.

di talaga ako nagsasalita sa taxi. nagtataka tuloy itong iba naming kasabay. anong gagawin ko? alangan namang magkunwari ako da va?

12:30am, nasa malate na ang mga bakla. nagsidatingan na rin ang mga friends na iba, so halos kami lang ang nasa buong 2nd floor ng chelu. parang private party.

tumabi sa akin si boylet. tinatanong kung bakit raw wala akong kibo. sabi ko tired lang ako. ( o di ba, very cinematic ang linya ko?)

maya-maya, si friend naman ang tumabi. ganun din ang itinatanong. neng, ang isinagot ko: "kuya, (talking to the cute waiter), bigyan mo naman ako ng 2 shots of bailey's on the rocks."

deadma na ako. kasi naiinis na ako sa mga pangyayari.

tungga si bakla.

tungga ulit. one after another. as in sabi ko sa kuyang waiter, keep it coming.

ang gugulo na naming lahat. tapos itong couple (boylet+friend ko), di masyadong chumichika. yun pala, itong nsi boylet nakatingin sa akin. itong friend ko, nakatingin naman sa katabi ko--yung ex nya na superfriend ko, hahaha!

kaya naloka ang lahat ng tao! iilan lang ang may-alam about me and the boylet, pero lahat ng tao alam about my superfriend and his ex. kaloka ang mundo! ang ginawa namin ng superfriend ko, pinakita namin na nag-uusap kami at nagtatawanan ang everything.

one moment, lumabas si superfriend ko. bumili ng yosi. maya-maya, lumabas din si ex nya na friend ko. nagchikahan yata sila sa labas. hahaha!

e di naiwan kami ng mga friends and the boylet.

nilapitan niya ulit ako. sabi nya, sana huwag akong masyadong maglasing, kasi baka wala akong kasabay pauwi. sabi ko, ok lang, wala naman talaga akong kasabay forever. forever and ever.

then sabi ko, umalis na sya sa tabi ko. baka dumating na ang jowa nya. ayaw nya, dahil di raw nya jowa yun. ka-date lang nya.

nakakaloka. sabi ko, ano ba ang pagkakaiba ng ka-date sa jowa? e syempre lasing na ako kaya wala na akong sense magsalita masyado. sabi nya malaki raw. pwede raw syang mag-date ng kung sinuman, pero iba pa rin ang gusto nya. sabi ko, e bakit hindi nya i-date yung gusto nya? sabi nya, natatakot raw sya.

hala!

then bumalik na ang mag-ex. siguro tapos nang mag-usap. mga 3am na nun, ayoko na talaga. kasi si boylet, hindi na iniintindi ang kasama nya. sa akin na lang palagi nakatingin. sa akin lang nakikipag-usap. naiinis ako. ayokong magkaroon ng something. paalis na ako, e. friend ko pa yung involved.

sabi ko sa lahat, uuwi na ako. kasi sobrang dinudugo ang dibdib ko. nagulat ang lahat, hahaha! pero di na sila nakaimik dahil umalis agad ako. sinundan ako ng 4 other friends ko. inihatid ako sa baywatch tower. kasi nga lasing na ang bakla.

pagdating namin sa bahay, para akong lukaret. hahaha! as in!

neng, after an hour, nang mahimasmasan ako, tinext ko si boylet. sinabi ko talaga lahat. gusto kong tawagan sya, kaya lang, kasama pa nya si friend ko. sinagot nya ako ng:

"im flattered, very happy and very overwhelmed. i don't know what to say. i know im not as goodlooking as you. kaya natakot akong sabihing i like you. but here you are, ikaw pa nagsabi that you like me. if only i could turn back the time. i'd rather have you..."

di na ako nagreply. natulog na ako.

No comments: