After office na. May bagyo.
Gimik friday pa naman.
walang magawa. kabato! boring!
maaga pa. malling muna.
kapagod maglibot, wala naman pangshopping.
pag nagutom kain muna.
katamad na. uwi na lang.
umaambon pa, mukhang lalakas ang ulan.
kaya pa, last full show muna.
nakita ka, nakatayo sa sulok mukhang may inaabangan,
hayaan ko muna maaga pa para magwala.
nangalahati na palabas, pwede na.
nakita kang muli, andun ka pa rin nilapitan, nakikiramdam.
titigan, sulyapan. nakuha ko na ang atensyon,
alam ko na pakay pero katakot may lumilibot
tapang mo, nilabas ang sandata
natakot ako baka may makakita
panunukso, yung lang ang kaya ko.
natapos ang palabas, tinatanya kung iiwas
huminto ako nag abang
nilagpasan ng ikaw dumaan.
habol ng tingin, inoobserbahan
mabagal lakad mo, ako ba ang hinihintay?
di nagtagal lakad natin nagkasabay.
ngumiti ka, nagpakilala
konting kwento, isang tanong isang sagot
sinabi ko sa sarili ko hanggang labas lang to.
nagulat ako, nagyaya ka magkwentuhan muna
kahit sa may bangketa, sa waiting shed pwede na
nakilala kita, mabait ka naman pala.
di ko inakala sa itsura mo, 40 ka na pala
mukha kang bata sa kisig
ok lang, di halata nasa nagdadala lang yan.
pansin ko hinihimas mo kamay ko.
kung sa sinehan, madilim di ko kinaya
sa langsangan pa kaya
di ko plinano na humantong sa kung ano
malalim na gabi, malayo pa uuwian ko
palitan ng numero, asang magiging kaibigan.
nagpasalamat sa turing mo pagdating ng bahay
ngunit walang narinig hanggang kinabukasan
hangang sa muli na lang... sa sulok ng sinehan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
FloultBloox [url=http://manatee-boating.org/members/Order-cheap-Cipro-online.aspx]Order cheap Cipro online[/url] [url=http://wiki.openqa.org/display/~buy-flomax-without-no-prescription-online]Buy Flomax without no prescription online[/url]
Post a Comment