Tuesday, January 8, 2008

Ang Titi.

Titi ang tawag sa organ ng mga lalake. Iniiwasan mabigkas dahel ito ay bastos sa ating wika. Bastos dahel yun ang turo nang matatanda. Nakakahiyang sabihin. Immoral marineg ang salitang, Titi.

"Magtakip ka nang tenga, bastos yang saletang yan!"

"Oh my gosh, your so gross."

"Masusunog ka sa impyerno, manyak ka!"


Yan ang maririnig mo pag may nagbigkas ng saletang, Titi.

"Titi. Titi. Titi. Magsawa ka sa saletang ito. Hindi ako bastos. Hindi ako immoral." tugon ng Titi.

Titi.

Balik tayo sa salitang, Titi. Sanay na ba kayo marinig ang salitang, Titi? Hindi ba kayo nababagabag marinig ang salitang, Titi? Nababastusan pa ba kayo? Oo, mainitin ulo ko. Dahel hinde niyo ako iniintinde. May sarile akong pag-iisip. Liwas sa pag-iisep ng tao. Ako ang batas. Gagawen ko nais ko. At wala akong pinipiling tao. Magagalet ako kelan ko gustuhen. Maglalabas ako ng sama ng loob kahet ika'y mahimbing na natutulog. Wala kang magagawa kunde tanggapin kong anu ako.

Samakutuwid, nasagi sa isipan ko, mas makapangyarihan nga ang, Titi, kesa tao. May sarili itong utak. May sariling damdamin. May sariling nais. Nais na lagpas pa sa naiisip mong gawin. Nais na hinde mo kayang isipen. Isang misteryo. Isang palaisipang mahirap basagin.

"Kung yan ang katwiran mo, anung aspekto meron ka at tinagurian kang bastos?" tanong ng Mangmang

"Hinde ko alam." sagot ng Titi.

"Ipaliwanag mo sakin ang itsura mo." usisa ng Mangmang

"Iba-iba. Hinde ko man nakikilala ang ibang, Titi, alam kong iba-iba kami ng itsura. Gaya ng tao, kami'y natatangi. May malalaki. May maliliit. May tuwid. May baliko. May mataba. May payat. May balat. May binalatan. May Maputi. May Pink. May Brown. May Dark Brown. May Super Dark Brown. Sa amoy, may amoy rosas. Amoy Singkamas. Amoy bagong ligo. Walang amoy. Amoy tambutso. Amoy Kabayo."

"Nakakatawa ka naman pala eh! Di ka dapat tawaging bastos. Payaso pwede pa." hirit ng Mangmang

"Wala kang galang. Hinde mo lang ako tinawag na bastos, sinabihan mo pang katatatawanan ang, Titi. Hinde ba, minsan kayo ang lumuluhod sa amin. Kayo ang nag-aalaga sa amin. Kayo ang nagpapaligo sa amin. Sinusuyo niyo lang kami sa oras ng inyong pangangailangan. Pero masahol pala tingen niyo samen."

"Hinde ka lang nakakatawa, balat sibuyas ka pa. Pikon!" pangungutya ng Mangmang

"Sinong di mapipikon. Madali kaming masaktan. Konting bagay lang, nasasaktan na kami. Yung ulong nakalabas sa balat ng aming pagkatao, sapat na yon para sa isang kahihiyan. Para kaming mga walang saplot. Pero hinayaan namin yon. Masaket man, tiniis namin. Para daw di kami marungisan. Pero bawat sagi nito, kami'y kumikirot. Bawat ngipin. Bawat kuko. Lahat ng elemento, isinasagi niyo sa amin. Ipinapasok niyo kami sa madidilim na lugar. Mga lungga ng ihi, ng tae, ng dugo, ng tinga! Binababoy niyo kami."

"Andami mo palang hinanakit, bakit di ka magsaleta at i-voice out ang iyong hinaing." usisa ng Mangmang

"Dahel mahina ako. Titi lang ako. Makapangyarihan ngunit marupok." sagot ng Titi

Ang Titi.

Isang saleta na kung tutuusin binubuo lamang ng mga letra. Letra na walang malay sa binuo nitong saleta. Saletang iniiwasan. Saletang pinandidirihan. Saletang bastos. Saletang kanto. Saletang pwede bumuo ng pantasya. Pantasya na maherap burahin.

Ang Titi, ay isang responsibilidad na sa simula pa lamang, ay maherap panindigan. Maherap patayin. Lingid ito sa ating kapangyarihan, at ang tanging magagawa naten ay tanggapin.

Hinde natin maikukubli ang, Titi. Parte ito ng ating buhay. Ang Titi, ay buhay. Ang buhay, ay Titi.

Mabuhay ang Titi!

No comments: